Nagpaalala sa publiko ang Bureau of Fire Protection (BFP) hinggil sa pagsunod sa health and safety protocols para sa Undas 2022.
Ayon sa BFP-San Jose De Buenavista, kailangang alalahanin ng bawat isa ang Three K’s o ang Kandila, Kuryente, at Kalan hinggil sa paggunita ng All Saints’ Day At All Souls Day.
Sinabi ng ahensya na nagsimula narin silang maglinis at mag-inspeksiyon sa mga sementeryo sa kanilang lugar bilang bahagi ng kanilang programa na Oplan Kaluluwa na nagsimula noong October 17 at magtatapos sa November 2.
Siniguro rin ng mga tauhan ng BFP na nakahanda ang kanilang ahensya sakaling magkaroon ng sakuna o sunog partikular na sa mga bahay.
Bukod pa dito, pinayuhan din ng ahensya ang publiko na mag-obserba at siguraduhing nakapatay ang mga appliances at nakabunot ang mga sasakan ng kuryente maging ang mga cooking stove o kalan bago umalis ng bahay.