Muling pinaalalahanan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang publiko na palagiang gawin ang ibayong pag-iingat upang maiwasan ang sunog.
Ito’y ayon sa BFP kasunod ng pagsimula ng taunang fire prevention month bukas, Marso a-primero alinsunod na rin sa Proclamation 115A.
Sa panayam ng DWIZ kay BFP Spokesperson Fire/Supt. Analee Atienza, magsasagawa ng sabay-sabay na pag-iingay ng mga trak ng bumbero sa buong bansa at susundan ito ng mga ikinasang motorcade.
Batay sa datos ani Atienza, nitong Enero lamang ay nakapagtala sila ng 1,221 insidente ng sunog sa buong bansa.
Mas mababa aniya ito ng 58% kumpara sa 2,927 o halos 3,000 insidente ng sunog sa kaparehong panahon noong isang taon.
Dahil din po ‘yan sa ating patuloy na programa ng pag-iingay yung tinatawag natin na Oplan ligtas na pamayanan kung saan ang mga fire trucks natin ay nag-iikot talaga tapos araw- araw nag-rekorida. Patuloy tayo sa aktibidad na ‘yon at perhaps naaalarma sila just by the mere presence of our fire truck,” ani Atienza.
Nangunguna ang open flame sa pangunahing sanhi ng mga insidente ng sunog, sinundan ito ng upos ng sigarilyo at ikatlo ang hindi tamang koneksyon ng kuryente.
Dahil sa init yung ating mga dahon, mga damuhan at dyan madalas ang ating mga responde,” ani Atienza.
PANOORIN: Nasa 15 Firetrucks, nagmotorcade bilang pagsisimula ng Fire Prevention Month | via @jaymarkdagala (Patrol 9) pic.twitter.com/UZg6i4nM7a
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 28, 2021