Simula sa susunod na linggo, isasailalim na sa red alert status ang buong ahensya ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa bansa.
Ayon kay BFP PIO Chief Senior Supt. Renato Marcial, ito’y bilang paghahanda nila para sa pagsalubong ng publiko sa Bagong Taon.
Magsisimula aniya ang kanilang red alert sa December 15 at magtatagal hanggang January 5.
Panawagan naman ng BFP sa publiko, iwasan na lamang ang paggamit ng mga paputok tulad ng piccolo at superlolo upang hindi na mapahamak at makaiwas na rin sa sunog.
Paalala pa ng BFP, bawal ang pagbebenta ng paputok sa mga bata.
By Jonathan Andal