Nakataas na sa code red alert ang status ng pamunuan ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR) para sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay BFP Regional Dir. Chief Supt. Wilberto Rico Niel Kwan Tiu, target nila ang zero fire incident sa New Year.
Kasabay nito, maigting din ang kanilang pagsuporta sa kampanyang ‘Oplan Paalala’ at ‘Oplan Iwas Paputok’.
Magbabahay-bahay umano ang mga bumbero at magbabahagi ng kaalaman sa mga komunidad upang paalalahanan ang mga ito hinggil sa posibleng panganib na dala ng paggamit ng paputok at mga faulty electrical connections.