Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na maging ma-ingat sa pagmamaneho.
Sa turnover ng mga fire truck sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, sinabi ng Pangulo na hindi ibig sabihin ay na nagmamadali ang mga bumbero sa pagresponde sa mga sunog ay may karapatan na ang mga ito ariin ang kalsada.
Ayon sa Pangulo hindi lisensya ng mga bumbero ang sirena at blinker para paharurutin ang mga fire truck kaya’t dapat manatiling maingat ang mga ito sa pagmamaneho.
Gayundin umano sa mga ambulansya na hindi naman aniya makukuha sa bilis ng takbo nito ang buhay ng pasyente.
Pabiro pang sinabi ng Pangulo na lalong hindi dapat magmadali ang mga drayber ng ambulansya kung ang sakay nito ay nabaril na masasasamang loob.