Puspusan ang kampanya ng Bureau of Fire Protection (BFP) laban sa sunog sa tinaguriang Fire Prevention Month ngayong Marso.
Sinabi sa DWIZ ni BFP Spokeperson supt. Annalee atienza na dapat maging alerto ang publiko laban sa sunog lalo pa’t unti-unti nang nagbabalik sa normal ang sitwasyon kasunod nang pagsailalim sa NCR at iba pang lugar sa bansa sa alert level 1.
Ipinabatid ni Atienza na umiikot ang tema ng kampanya kontra sunog ngayon taon sa “Sa Pag Iwas Sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa.”