Pinahihinto muna ang pag-arangkada ng suplay ng bakunang COVAXIN na gawa ng Bharat Biotech sa India hanggat wala pa ang resulta ng efficacy rate nito sa isinasagawang late-stage trial ng bakuna.
Inaasahan lalabas ang resulta ng late-stage trial sa susunod na buwan na nilahukan ng 26,000 volunteers.
Iginiit naman ng mga developer ng COVAXIN na ligtas at epektibo ang ito batay sa mga naunang mga pag-aaral.
Sa ngayon naka-order na ang pamahalaan ng India ng 10 milyon doses ng COVAXIN at 21 milyong ng bakunang gawa ng Astrazeneca.
Matatandaang matatagpuan sa India ang pinaka malaking pagawaan ng bakuna sa mundo na Serum Institute of India.—sa panulat ni Agustina Nolasco