Hindi umano sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente.
Ito ay kahit pa makailang ulit nang sabihin naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na hindi nito kayang makipagtrabaho sa Dating Police Chief ng Lungsod ng Davao.
Ayon kay Aguirre, nagkaroon nang pagpupulong sina Pangulong Duterte at Morento noong Christmas break para pag-usapan naman ang naging papel ng Dating Davao City Police Chief sa P50-Million bribe na ibinigay ng Chinese gaming tycoon Jack Lam sa 2 Immigration Commitioners.
Sinabi ng kalihim na 3 beses daw siyang kinausap ni Morente sa huling linggo ng 2016, at sinabing makikipagtulungan daw sa DOJ o Department of Justice matapos ang pulong sa pangulo.
Pero binigyan diin naman ni Aguirre na dahil sa kagustuhan ng Pangulo na panatilihin sa puwesto si Morente, bukas na raw siyang makatrabaho ito.
Kanya rin namang nilinaw na wala siyang personal na galit laban kay Morente, at pinairal lamang daw niya ang batas hinggil sa nasabing pangyayari.
Iginiit nito na kailangan na raw nilang magtulungan upang maresolba na rin ang problema sa korapsyon.
Subalit sinabi naman din ni Aguirre na hihingian pa rin niya si Morente ng written explanation.
Magugunita na sinibak ni Aguirre si Morente dahil sa pagkuha ng P18 Million mula sa P50-Million na suhol mula kay Lam.
By: Meann Tanbio