Naniniwala si Presidential Spokesman Harry Roque na dapat humingi ng paumanhin ang Bureau of Immigration o BI sa Australian nun na si Patricia Fox.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bagamat mayroong batas na nagbabawal sa mga dayuhan na manghimasok sa pulitika sa bansa. Mukha aniyang malinaw na nagkamali ang BI kay Sister Fox.
Matatandaan na inaresto ng Immigration agents si Sister Fox dahil sa di umano’y pakay ng madre na dumalo sa mga kilos protesta sa Pilipinas.
Samantala, sinabi ni Roque na mayroong malinaw na basehan ang bansa na harangin ang pagpasok sa bansa ni Giacmo Filibeck, Deputy Secretary General ng Party of European Socialist.
Binigyang diin ni Roque na mayroong kapangyarihan ang bawat basna na tanggihan ang pagpasok ng isang dayuhan sa kanilang teritoryo.
Napag-alamang nakatakda sanang dumalo si Filibeck sa dalawang araw na Akbayan Party Congress.