Dumipensa ang Bureau of Immigration (BI) sa pagkansela nila sa missionary visa ni Australian missionary Sister Patricia Fox.
Ayon kay Atty. Antonette Mangrobang, Spokesperson ng BI, hindi nila kailangang magpatawag ng hearing para marinig ang panig ni Sister Fox para sa kanselasyon ng kanyang missionary visa.
Ang pagkakaloob aniya ng missionary visa sa isang dayuhan ay isang pribilehiyo at hindi isang karapatan kaya’t malaya ang estado na bawiin ito, anumang oras na kanilang naisin.
Reaksyon ito ni Mangrobang sa pahayag ng abogado ni Sister Fox na hindi dumaan sa due process ang pagkansela sa missionary visa ni Sister Fox.
Gayunman, sinabi ni Mangrobang na maaari pa ring maghain ng kanyang motion for reconsideration si Sister Fox.
Maliban dito, malaya pa rin naman aniyang makakabalik ng Pilipinas si Sister Fox subalit bilang isang turista na lamang.
—-