Sasabak nang muli sa trabaho ang higit 400 tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na kagagaling lamang sa COVID-19.
Sa gitna ito ng inaasahang pagdagsa muli ng mga dayuhang turista simula sa Pebrero a-10 makaraang luwagan ang restrictions.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, handa na ang ahensya at mayroon nang sapat na mga tauhan para matugunan ang inaasahang pagdagsa ng biyahero.
Karamihan naman anya ng mga nagpositibong BI personnel na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay sumailalim sa quarantine o isolation at nakabalik na sa kanilang trabaho.
Samantala, itinaas na ng BI sa 80% ang kanilang ‘operational capacity’ at maaari na muling pumasok sa tanggapan ahensya sa Intramuros, Maynila ang mga kliyente na bakunado na ngayong nasa alert level 2 na ang Metro Manila. —sa panulat ni Mara Valle