Nakatakdang imbestigahan ng Bureau of Immigration ang ulat na wala na sa bansa ang sinasabing hitman ng Davao Death Squad, kasama ang pamilya nito gamit ang pekeng identity.
Ayon sa report, nagtago ang pamilya ni Edgar Matobato sa ilalim ng proteksyon ng mga pari at lumipat sa isang catholic church kung saan ay nagtrabaho ito bilang isang hardinero.
Dagdag pa sa report, lumipad patungong Dubai ang nasabing pamilya kung saan ay sumakay ulit sila ng eroplano patungo sa hindi nabanggit na bansa.
Hindi naman binanggit sa nasabing report kung sino ang nagbigay ng pekeng dokumento sa pamilya matobato at kung paano ito nakapuslit palabas ng bansa.
Matatandaang, isa si Matobato sa mga tumestigo laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa Davao Death Squad. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo