Nakaalis na ng bansa si Kuwait Ambassador to the Philippines Musaed Saleh Ahmad Altwaikh.
Ito ang kinumpirma ng Bureau of Immigration, kung saan umalis si Musaed sakay ng Kuwait Airways Flight KU 418, dakong alas diyes y medya kagabi.
Sinasabing may nakatakda pa sanang pulong si Musaed sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs kaninang umaga pero hindi na ito nagpakita.
Una nang ipinag-utos ng pamahalaan ng kuwait ang pagpapa-recall kay Musaed kasunod ng isyu sa hindi nagustuhang paraang ng Philippine Embassy sa pagsagip ng mga OFWs na nagpapasaklolo sa naturang bansa.