Magtatalaga na ang Bureau of Immigration o BI ng mahigit sa walong daang (800) tauhan, para mag mando sa 420 immigration counters sa mga ports at sub – ports ng bansa.
Ito ay matapos aprubahan ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang paglikha ng mga bagong posisyon na mangangailangan ng P365-M pondo.
Ang bagong posisyon ay upang maging pulido ang pagbabantay at pagkokontrol sa mga papasok at palabas ng bansa.
By Katrina Valle |With Report from Aya Yupangco