Higit pitongpung (70) mga dayuhang ‘bastos’ at ‘arogante’ ang hindi pinayagang pumasok sa bansa noong 2017.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Antonette Mangrobang, kabilang dito ay ang mga dayuhang tumatangging sumagot sa mga tanong ng Immigration officers at nagpapahayag ng mga pagtuligsa sa bansa.
Gayundin ang mga pasaherong nalasing sa eroplano at tumangging dumaan sa proseso ng Immigration.
Binigyang diin ni Immigration Chief Jaime Morente na ang pagpasok at pananatili ng mga dayuhan sa bansa ay hindi isang karapatan kundi isang pribelehiyo kaya marapat lamang magpakita sila ng pagrespeto at paggalang sa mga Pilipino.