Nagbabala ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) sa publiko hinggil sa lumalabas na bagong modus operandi sa online na ginagamit ang pangalan ng mga government officials.
Paliwanag ni BI Commissioner Jaime Morente na maging ang kanyang pangalan ay ginamit ng scammer gayundin ang iba pang government officials upang makapagsolicit ng pera.
Aniya, sa pamamagitan ng email ay magpapanggap ito bilang BI Chief at hihingi ng tulong upang makapagpadala ng pera sa mga nangangailangan na mga kaibigan.
Binigyang diin pa ni Morente, ipagbigay alam umano sa cybercrime authorities ang sinumang indibidwal na mahuhuling nanloloko o ang tinatawag na scammer.
Giit ni Morente, kung sino man ang gumagawa nito ay agad nilang ipagbibigay alam sa cybercrime authorities upang maimbestigahan