Naghahanda na ang Bureau of Immigration (BI) sa pagpapatupad ng temporary travel ban sa mga biyahero mula India.
Ayon kay BI port operations division acting chief Carlos Capulong, nagsasagawa sila ng 100% passport inspection upang matukoy ang travel history ng mga indibiduwal na lumalapag sa bansa.
Oras anita na napag-alaman nilang may travel history ang isang biyahero sa India sa nakalipas na 14 araw ay hindi na ito patutuluyin sa bansa at kaagad aniya nilang ibo-board pabalik sa lugar o bansa na kanyang pinanggalingan.
Nilinaw din ng BI na walang pinipiling nasyonalidad ang travel ban sa India.
Samantala, magsisimula naman ang pag-iral ng naturang travel ban sa Huwebes, ika-29 ng Abril.