Nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang nais magtungo ng Pilipinas na mag-apply ng temporary visitors’ visas at Entry Exemption Document o eed na makukuha sa Philippine posts ng kanilang bansa.
Kabilang dito ang mga Pilipino, balikbayan, at mga dayuhang may valid at existing visas na inisyu ng BI o ng anumang Philippine Government agencies.
Kasabay ng paalala ng BI, nilinaw naman nito na bawal pang pumasok ang mga dayuhang turista sa bansa.—sa panulat ni Airiam Sancho