688 human trafficking victims ang naharang ng Bureau of Immigration (BI) na umalis ng bansa noong nakaraang taon sa iba’t ibang international ports sa bansa.
Gayundin, ipinagpaliban nito ang pag-alis ng mahigit 13K pasahero na pinaniniwalaang iligal na kinuha ng sindikato.
Inilabas ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga nasabing bilang upang bigyang babala ang mga naghahangad na pilipinong maging OFW na nagnanais na mapabuti ang buhay ng kanilang mga pamilya.
Gayunpaman, tiniyak ni morente, na mas pinaigting ng imigrasyon ang paglaban sa human trafficking at illegal recruitments at sisiguraduhin ng ahensya na ang ating mga kababayan ay protektado mula sa mga illegal recruiters. -sa panulat ni Kim Gomez