Naka heightened alert na rin ang Bureau of Immigration (BI) para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan sa papalapit na Undas.
Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, nagdagdag na sila ng mga tauhan at gagamitin na rin ang mga electronic gates para maayos na mamonitor ang inaasahang mahabang pila.
Dagdag pa nito, mas hihigpitan nila ang departure areas para hindi makalusot ang mga pilipinong biktima ng human trafficking.
Ito ay matapos ipag-utos ni Immigration Chief Jaime Morente lahat ng tauhan ng ahensya sa lahat ng paliparan at pantalan sa bansa na maging alerto hinggil sa mga trafficking syndicates.
Bukod dito ay dadaan din sa “thoroughly screening” ang lahat ng mga banyangang dadating sa bansa.
Ang Travel Control and Enforcement Unit at border control and intelligence unit ang inatasan para tiktikan ang mga illegal aliens na papasok sa bansa sa panahon ng undas.