Bumaba ng 72 % ang bilang ng mga dumarating na pasahero simula Enero hanggang Setyembre dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic sa travel industry.
Inihayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente na nasa 893,886 lamang ang mga biyaherong pumasok sa bansa sa unang siyam na buwan ng taon.
Kumpara ito sa 3.2 milyon passengers sa kaparehong panahon noong 2020.
Gayunman, kapwa napakalayo anya ng mga nasabing bilang sa pre-pandemic period na kadalasang umaabot sa 12.6 milyon arrivals sa 3rd quarter.
Iniuugnay ni Morente ang mababang bilang ng mga biyahero sa limitadong passenger arrivals at travel restrictions sa bansa.
Samantala, umabot naman sa 1.1 milyon passengers ang umalis ng pilipinas, na karamiha’y OFW, sa unang tatlong quarter ng 2021 kumpara sa 3.6 milyon noong isang taon. —sa panulat ni Drew Nacino