Nadakip ng mga ahente ng Bureau of Immigration o BI ang isang South Korean national na sinasabing wanted sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa investment scam.
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang dayuhan na si Jun Myung Ho na nasakote sa isang residential area sa Banilad, Cebu City.
Nabatid noong February 2018 pa nasa Pilipinas si Jun matapos itong tumakas sa kanilang bansa dahil sa kasong fraud.
Pansamantalang nakadetine si Jun sa Camp Sotero Cabahug sa Cebu at nakatakda itong ilipat sa BI detention facility sa Taguig habang hinihintay ang deportation proceedings laban sa naturang dayuhan.