Pinasisibak ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na umano’y sangkot sa pangingikil ng 50 milyong piso mula kay gambling tycoon Jack Lam.
Ayon kay Aguirre, ang Pangulong Duterte na ang bahalang mag-desisyon sa magiging kapalaran nina Immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles dahil ang Pangulo naman ang nag-appoint sa mga ito.
Sinabi ni Aguirre na irerekomenda rin niya ang pagsibak sa mga taga-Immigration na dawit sa nasabing extortion activities sa ahensya.
Sina Argosino at Robles ay nahuli sa video na tumatanggap ng pera mula kay dating Chief Supt. Wally Sombrero na may kaugnayan umano kay Jack Lam.
By Judith Larino