Dapat isalang sa lifestyle check ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa “pastillas scheme”.
Tinukoy ni Senador Risa Hontiveros ang mga tauhan anya ng Immigration na tumatanggap ng service fees mula sa mga Chinese nationals na pumapasok sa bansa bilang POGO workers.
Una nang ibinunyag ni Hontiveros na nagbabayad ng tig-P10,000 ang bawat Chinese national na dumarating sa bansa at pinaghahati-hatian ito ng mga tauhan ng Immigration sa airports, tour operators at sindikato.
Sa nagdaang dalawang taon lamang, tinatayang halos 2-milyong turistang Intsik at nasa 1-milyon rito ang di umano’y nagbayad ng service fees.
Ayon kay Hontiveros, tourist visa lamang ang hawak ng mga POGO workers na Chinese national subalit mayroong express lane para kanila at itinuturing silang VIPs.