Naghahanda na ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa posibleng pagdagsa ng mga dayuhang turista sa bansa.
Malaki kasi ang posibilidad na buksan ang mga borders para sa mga turista matapos ipatupad ang Alert level 2 sa Metro Manila at iba pang lugar na sakop nito.
Sa kabila nito, tiniyak ng ahensya na magiging sapat ang kanilang mga tauhan upang imonitor o bantayan ang international airports.
Bukod pa dito, posible nading luwagan ng pamahalaan ang green list o ang quarantine restrictions sa mga international traveler.
Samantala, inaasahan din ng BI ang pagdating naman ng mga balikbayan sa bansa lalo’t papalapit narin ang kapaskohan. —sa panulat ni Angelica Doctolero