Nagbigay ng konsiderasyon ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhan na naapektuhan ng flight cancellations nitong bagong taon.
Ayon kay BI commissioner Norman Tansingco, magbibigay sila ng grace period para sa validity ng Emigration Clearance Certificate sa lahat ng mga foreign nationals na kinansela o na-delay ang flights bunsod ng technical glitch sa Air Traffic Management Center ng Civil Aviation Authority of the Philippine.
Ang kailangang requirements anya ay makapag-presenta ng confirmed ticket na na-kansela ang kanilang flight mula Ene.1.
Nilalayon nito para makapagre-book agad ang mga dayuhan na walang dagdag na immigration penalty. —sa panulat ni Jenn Patrolla