Papayagan pa ring manatili sa bansa ang mga “overstaying” na dayuhan matapos suspindihin ng Bureau of Immigration (BI) ang Order to Leave (OTL).
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang suspension order ay dahil sa epekto ng COVID-19 sa mga lokal at internasyunal na biyahe.
Saklaw nito ang mga may hawak ng temporary visitor’s visa na umabot na ng 24 na buwan na maximum stay sa mga ‘visa required’ nationals at 36 na buwan sa mga “non-visa required” mula noong Marso 1, 2020.
Ipatutupad rin ito sa mga foreign national na dati nang overstaying sa bansa bago pa sumapit ang nasabing petsa.
Gayunman, sinabi ng BI na kailangan pa rin ng mga dayuhan na magpa-assess at bayaran ang immigration fees at penalties. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico