Nasasabik si Bianca King sa mga gagawing proyekto sa bago niyang network, ang ABS-CBN.
Una rito ang mga teleseryeng pagtatampukan ng love team nina Diego Loyzaga at Sofia Andres.
Samantala, handa ang bagong kapamilya na makatrabaho rin ng dati niyang kasintahan na si Patrick Garcia.
Sinabi ni Bianca na bilang aktor, binubuksan niya ang sarili para sa lahat ng posibilidad.
Kaya kontrabida man ang papel na gaganapan sa unang proyekto, tiniyak ni Bianca na mamahalin ng publiko ang kanyang karakter.
By Avee Devierte