Isa ang patay habang ligtas naman ang iba pa nang tumaob ang sinasakyang speedboat sa baybayin ng Sebaste, Antique noong Huwebes Santo.
Sakay ng nasabing speedboat ang mga aktres na sina Bianca Manalo at Ehra Madrigal kasama ang anak at driver/bodyguard ni Pandan Mayor Jonathan Tan.
Mahigit walo ang sakay ng naturang speedboat nang mangyari ang aksidente kung saan, nilangoy ng alkalde ang dagat para sagipin ang mga naroon.
Patungo sanang Mararison island ang speedboat nang mangyari ang aksidente nang hampasin ng hangin ang sasakyang pandagat kaya ito tumaob.