Inabisuhan ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon ang mga residente na maging alerto kasunod ng pagpasok ng panibagong bagyo sa bansa.
Ayon sa PAGASA, nakapasok na ang Bagyong Queenie sa Philippine Area Of Responsibility (PAR) habang papalabas ang Bagyong Paeng.
Ayon sa Alkalde, hinihikayat nito ang kanyang nasasakupan na maging mapagmatyag lalo na ngayong available ang mga impormasyong makatutulong sa mga mamamayan na makapaghanda laban sa bagyo at iba pang delubyo. - sa panunulat ni Hannah Oledan
previous post