Pinaplano ng Department of Health na bumili lamang ng limitadong doses ng bivalent COVID-19 vaccine.
Ayon kay Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, maglalagay lang sila ng karagdagang order sa oras na tumaas ang interes sa bakuna.
Sinabi naman ni Vergeire na nagkaroon na sila ng kasunduan sa mga manufacturers para maging madali ang pagbili at isahan na lang ang pagpapadala ng mga gamot.
Matatandaang una rito, sinabi ng ilang mga negosyante o pribadong sektor na ipapaubaya na nila sa gobyerno ang pagbili ng new generation o bivalent vaccines laban sa COVID-19.
Magbibigay ng dagdag na proteksyon ang bivalent vaccines laban sa omicron sub-variants na kumakalat ngayon sa bansa gaya ng XBB at XBC variants.