Nag-convene na ang Bicameral Conference Committee ng Senado at Kamara para talakayin ang P4.1T proposed 2020 National budget.
10:00 ng umaga kahapon nang magsimula ang pulong sa pagitan ng panel ng Senado sa pamumuno ni Senador Sonny Angara at Kamara na pinamumunuan naman ni Congressman Isidro Ungab.
Ayon kay Angara, kanila munang pag-aaralan ang mga pagbabagong ginawa ng Senado at Kamara sa kani-kanilang isinumiteng bersyon ng General Appropriations bill.
Matapos nito ay saka naman aniya magpupulong sa susunod na linggo para talakayin naman ang mga hindi napagkasunduang probisyon.
Tiwala naman si Angara na mas magiging madali ang talakayan ng Bicam ngayong taon.
Sinegundahan naman ito ni Senador Panfilo Lacson kung sanabi nitong naniniwala siyang paninindigan ni Ungab ang isinumiteng bersyon ng Kamara at hindi na mauulit pa ang nangyaring tangkang pagsingit ng ilang pondo sa noong nakaraang taon.