Sisikapin ng dalawang kapulungan ng Kongreso na maipasa ang panukalang 3.3 trillion national budget para sa susunod na taon bago mag-recess ang Kongreso sa Miyerkules.
Nakatakdang magharap sa bicameral conference committee ang mga kinatawan ng dalawang kapulungan bukas araw ng Martes upang pag-isahin ang kanya-kanyang bersyong ipinasa nila sa panukalang budget.
Kabilang sa hindi mapagkasunduan ng dalawang kapulungan ang 8.3 bilyong piso na inilagay ng Kamara sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, babalik lamang ang pork barrel system kung hahayaan nila na ang DPWH ang magpatupad ng mga proyekto at bibigyang muli ng kapangyarihan ang mga kongresista na mag-identify ng proyektong popondohan nito.
Kapwa nagpahayag ng pag-asa ang mga mambabatas sa dalawang kapulungan na makakabuo sila ng kasunduan sa bicam upang maipasa na ang national budget bago magbakasyon ang Kongreso.
By Len Aguirre