Sa susunod na linggo pa sisimulan ang bicameral conference committee hearing sa 2016 budget.
Ayon kina Senator Ralph Recto at Senator Tito Sotto na kapwa miyembro ng bicam panel, hindi pa sila naabisuhan kung saan gaganapin ang hearing.
Sa bicam hearing ay sinasabing paplantsahin ang mga ilang probisyon na hindi magkakatugma ng dalawang kapulungan ng Kongreso at target itong tapusin sa Disyembre 4.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)