Muling ipinagpaliban ng bicameral conference committee ang kanilang nakatakdang pulong kaugnay ng panukalang P4.1-T 2020 national budget sa susunod na taon.
Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab, bukas na sila magko-convene sa halip na ngayong araw.
Sa kabila nito, tiniyak ni Ungab na maaabot pa rin nila ang target nilang petsa para maisumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mararatipikahang bersyon ng 2020 general appropriations bill.
Dagdag ni Ungab, napagkasunduan na ng house of representatives at senado ang ilan sa mga magkakaibang probisyon sa panukala kaya maaabot nila ang target na December 21.
Magugunitang, orihinal na naka-schedule ang bicam meeting kahapon pero ipinagpaliban din.