Niratipikahan na ng Senado ang Bicameral Conference Committee report ng P5.268-T na 2023 General Appropriations Bill (GAB).
Ang Ratified Bill ay naglalaman ng pinag-isang bersyon ng Senado at Kamara.
Nagpahayag naman ng “No Vote” sina Senate Minority Leader Koko Pimentel at Senator Risa Hontiveros.
Partikular na tinututulan ng oposisyon ang pagbabalik sa P150 million Confidential at Intelligence Funds (CIF) ng Department of Education.
Bagaman noong una ay nagpasalamat sa pagtugon ng senado na tapyasan ng P120 million ang CIF ng DepEd at ilipat sa ibang programang mas mapapakinabangan ng ahensya, dismayado naman ang senadora dahil hinayaang makalusot ang nasabing pondo.
Kasama rin sa ibinalik sa pondo ang orihinal na budget proposal ng NTF-ELCAC na P10-B.
Ito ang unang pambansang pondo sa ilalim ng Marcos Administration.
Inaasahang bago mag-Pasko ay lalagdaan na ni pangulong Bongbong Marcos ang 2023 National Budget. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)