Kaagad isusumite sa Palasyo ng dalawang kapulungan ng kongreso ang naratipikahang bicameral report hinggil sa libreng tuition fee sa State Universities and Colleges (SUC’s) at sa Local Universities and Colleges (LUC’s).
Ayon kay Committee on Education Chairman Chiz Escudero, ito ay para kaagad malagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte at maging isa nang ganap na batas na tatawaging, “Free Universal Access to Tertiary Education Act” o “Free Tertiary Education Act.”
Sa ilalim ng panukala, magiging libre na ang tuition at miscellaneous fees para sa mga estudyante na papasa sa mga kwalipikasyong nakasaad dito.
Ang naturang panukala ay dapat paglaanan ng pondo ng Palasyo at dalawang kapulungan ng kongreso oras na malagdaan na ito ng Pangulong Duterte.
By Katrina Valle | With Report from Cely Bueno