Bumababa na ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Bicol Region.
Ayon kay Department of Health-Bicol Regional Director Dr. Ernie Vera, bumaba sa 240 mula sa 430 ang bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo.
Aniya, nakapagtala ang rehiyon ng kabuuang 43,115 kabilang dito ang 12,656 aktibong kaso at 1,334 namatay sa sakit.
Bagaman bumababa na ang naturang kaso sa lugar, malayo pa aniyang makamit ang herd immunity dahil umano sa mga senior citizen na tumatangging magpabakuna sa nasabing rehiyon. —sa panulat ni Airiam Sancho