Nagsimula nang dumagsa sa bagong Bicol International airport ang domestic flights ng local air carriers sa bansa.
Mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay nakapaghatid na ng mga pasahero ang Philippine Airlines at Cebu Pacific sa nasabing bagong airport sa Daraga, Albay.
Bukod dito, inaasahan na rin ang direktang paglapag ng ilang international flights mula sa iba’t ibang bansa.
Samantala, 2 milyon na pasahero ang inaasahang maa-accomodate bawat taon ng naturang bagong airport. —sa panulat ni Airiam Sancho