Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng Bicol International Airport sa Daraga, Albay.
Sa kanyang talumpati kahapon, inihayag ni Pangulong Duterte na ikinalulugod niya na naging bahagi at kasama sa pagpapasinaya ng nabanggit na paliparan sa Barangay Alobo.
Ang pag-kumpleto aniya sa world-class at state-of-the-art government infrastructure project ay isang karangalan dahil makapagbibigay ito ng mas maayos na transportasyon para sa mga bibiyahe patungo at mula sa Bicol.
Pinapurihan din ng Pangulo ang Department of Transportation, mga lokal na opisyal at project partners, kabilang ang Civil Aviation Authority of the Philippines, sa pagsasakatuparan ng proyekto matapos ang 11 taong delay.
Tinatayang 2.2M pasahero ang kapasidad ng Bicol International Airport kada taon.—sa panulat ni Drew Nacino