Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang regional director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Bicol.
Hawak na ni LTFRB Chairman Martin Delgra III ang kautusang sibakin si Vladimir Custer Kahulugan na una nang isinailalim sa imbestigasyon ng Investigation, Security And Law Enforcement staff ng Department Of Transportation (DOTr).
Batay sa imbestigasyon, kasabwat ni Kahulugan ang mga tauhan ng LTFRB Enforcement Team na sina Narciso Juntereal, Robert Pacurib, Jose Pardo at Eduardo Felix sa pagkolekta ng protection money mula sa mga operator ng bus at UV express sa Bicol Region.
Ang mga kasabwat ni Kahulugan ay nananatiling at large matapos makatakas sa isinagawang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Albay Provincial Field Unit.
Si Kahulugan at mga nabanggit ay sangkot din sa ‘Hulidap’.