Umabot na sa full capacity ang Bicol Medical Center dahil sa dami ng COVID-19 patients.
Ayon kay Dr. Mary Jane Uy, Chief of Medical Professional Staff ng ospital, mayroong mahigit 140 na mga pasyente sa kanilang COVID facility at mahigit 30 naman na nananatili sa kanilang isolation facility.
Ang ina-admit aniya sa naturang ospital ay mga moderate at critical cases habang ang mild cases naman ay kanilang inire-refer sa mga primary facilities.
Sinabi pa ni uy na maging ang ICU ay puno na rin at maging ang COVID-19 emergency room.
Batay sa pinakahuling datos, pumalo na sa 37,182 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa Bicol Region.—sa panulat ni Hya Ludivico