Idinepensa ng Department of Health (DOH) ang kanilang Bida Solution Campaign kung saan gumamit sila ng mga kilalang personalidad para magpaalala kung paano mag-ingat sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, maliban sa pharmaceutical intervention, mahalaga rin na pagtutunan ng pansin ang behavior change ng publiko sa harap ng COVID-19 pandemic.
Mayroon naman anyang nakalaan talagang pondo ang DOH para sa ganitong klase ng intervention.
Una nang lumutang ang mga kritisismo na dapat ay ginamit na lang sa paglaban sa COVID-19 ang resources na ginastos ng DOH sa kanilang bida solution campaign.