Posible umanong sa Agosto na matutukoy ng Land Transportation Office o LTO kung sino ang gagawa ng mga plaka ng sasakyan.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante, ipoproseso at ipamamahagi ang mga bagong plaka sa oras na maianunsyo ang nanalong bidder.
Tinataya aniyang nasa 6 na milyong plaka ng sasakyan ang hindi pa naiisyu.
Matatandaang naglabas ng Temporary Restraining Order o TRO ang Supreme Court noong Hunyo ng nakaraang taon para pigilan ang LTO at Department of Transportation and Communication o DOTC na ipamahagi ang 700,000 plaka na ipinamigay ng Bureau of Immigration (BI) makaraang mabigo ang manufacturer nito, ang joint venture ng Power Plates Development Concepts Incorporated at J. Knieriem BV Goes, na makapagbayad ng buwis at customs duties.
Sinabi ni Galvante, hindi alam ng LTO kung kailan mareresolba ng Korte Suprema at Commission on Audit (CA) ang naturang kaso kung saan nakwestyon ang Customs nang ipamigay nito ang mga nasabing plaka ng sasakyan.
By: Avee Devierte / Race Perez