Nakatakdang buksan ngayong araw ng COMELEC o Commission on elections ang bidding para sa mga gagamitin nila sa barangay at SK elections sa Oktubre.
Ito’y sa kabila ng mga hakbang na muling ipagpaliban ang nasabing halalan alinsunod na rin sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Isandaan at animnapu’t apat (164) na milyong piso ang inilaang pondo ng COMELEC para sa pagbili ng iba’t ibang supplies tulad ng ballpens, plastic security seals, fingerprint takers, indelible ink, ballot secrecy folders, padlocks at bond paper.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, tuloy pa rin ang kanilang mga paghahanda hangga’t walang naipapasang batas na nagpapatigil sa nasabing halalan.
Paglilinaw ni Bautista, hindi ito maituturing na pagsalungat sa kagustuhan ng Pangulo dahil ginagawa lamang nila ito sa ilalim ng kanilang mandato bilang isang constitutional body.
By Jaymark Dagala