Pinasisimulan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan ang bidding para sa bagong telecommunication player.
Iginiit ni Communications Secretary Martin Andanar na ayaw ng Pangulo na maantala o magkaroon pa ng extension ang gagawing bidding.
Dagdag pa ni Andanar, noong kampanya pa lamang ay pursigido na si Pangulong Duterte na magpasok ng bagong Telco sa Pilipinas dahil sa masamang serbisyo ng telekomunikasyon sa kasalukuyan.
Dahil dito, inaasahan aniya ng pamahalaan na mapabubuti ang telecommunication services sa bansa na dinodomina lamang ng dalawang (2) malalaking kumpanya.
Kamakailan lamang ay pumayag ang PLDT – Smart na isauli sa pamahalaan ang isang frequency para sa LTE at 3G connectivity na maaaring gamitin ng papasok na ikatlong player sa Telco industry.