Binatikos ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang bidding sa mga cake na ipamamahagi para sa senior citizen ng Makati City.
Ayon kay Joey Salgado, Media Relations Officer ng Bise Presidente, posibleng dinaya at nakipagsabwatan umano si acting Mayor Kid Peña sa kumpaniyang Goldilocks Philippines na siyang tanging bidder para sa mga nasabing cake.
Giit ni Salgado, mula sa orihinal na P260 hanggang P285 pesos na presyo ng cake, mas maliit aniya ito kumpara sa cake ng bakerite na siyang unang suplayer sa lungsod.
Una nang sinabi ni Peña na mas nais niyang magsuplay ang Goldilocks o ang Red Ribbon upang maiwasan ang kontrobersiya.
Batay sa nakasaad sa kontrata ng Makati City at ng Goldilocks, umabot sa mahigit 8 milyong piso ang nakuha nilang bid na siyang idedeliver sa Sabado, Agosto 15 hanggang 31 ng Disyembre taong kasalukuyan.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco