Gumulong na ang bidding ng Commission on Elections (COMELEC) para sa 100,000 pares ng gunting na gagamitin sa May 9 elections
Ipinabatid ni COMELEC Chairman Andres Bautista na 1.2 million pesos ang inilaan nilang pondo para sa pagbili ng gunting na nagkakahalaga ng P12 kada piraso.
Sinabi ni Bautista na sagot ang gunting sa posibleng paper jam na mararanasan sa pag-iimprenta ng resibo sa mismong araw ng eleksyon.
Samantala, naglaan na rin ang COMELEC ng halos P28 million pesos para sa mahigit 92,000 piraso ng plastic receptacles na magsisilbing repository ng voter receipt o P300 piso kada plastic receptacle.
Receptacles
Kontra naman si dating COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal sa balak ng COMELEC na pagbili ng mga bagong receptacles o kahong paglalagyan nang ilalabas na resibo sa bawat botante.
Ayon kay Larrazabal, uubra namang gamitin ng COMELEC ang mga ballot box para hindi na gagastos pa sa mga receptacles.
Una nang ipinabatid ng COMELEC ang pagbili sa mahigit 92,000 receptacles na nagkakahalaga ng P27 million pesos.
Ang nasabing hakbang ng COMELEC ay kasunod na rin ng desisyon ng Korte Suprema na mag-isyu ang komisyon ng vote receipt.
By Judith Larino