Binati ni US President Joe Biden si dating senator Ferdinand Bongbong Marcos Jr, na nakaambang manalo sa pagka presidente ng Pilipinas.
Ayon kay Manila Top Envoy to the United States Jose Manuel Romualdez, tiniyak ni Biden kay Marcos Jr. na magtutulungan ang Amerika at Pilipinas para mapanatili ang matatag na alyansa ng dalawang bansa.
Sa katunayan ay nakapag-usap na si Biden at Marcos kung saan plano nitong palakasin ang Bilateral relations partikular na sa pagbangon ng ekonomiya dahil sa COVID-19, climate change at human rights.