Nakatanggap na rin ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19 si US President Elect Joe Biden, gamit ang nilikha ng kumpanyang Pfizer Biontech.
Ayon kay Biden, nagpasiya siyang magpabakuna para mapatunayang ligtas at walang dapat ikabahala dito.
Kanya rin aniyang ginawa ito para ipakitang dapat maghanda na ang lahat sakaling dumating na ang oras na sila naman ang tuturukan ng bakuna kontra COVID-19.
Sinabi ni Biden, dapat ding bigyan ng kredito ang administrasyon ni Trump na nagsulong ng COVID-19 vaccine program sa Amerika.
Una nang nagpabakuna ang asawa ni Biden na si Jill habang inaasahan namang matatanggap ng kanyang running mate na si Vice President Elect Kamala Harris at asawa nitong si Doug Emhoff sa susunod na linggo.